Sara Duterte ibinasura ang alok na pakikipag-bati ni Alvarez

By Len Montaño May 22, 2019 - 01:48 AM

Hindi tinanggap ni Davao City Mayor Sara Duterte ang umanoy alok na reconciliation ni dating Speaker at ngayo’y Davao del Norte Representative-elect Pantaleon Alvarez.

Ayon kay Mayor Sara, iba ang sinasabi ni Alvarez kapag siya ay nakatalikod.

“I have no intention of accepting Representative Bebot Alvarez’s offer of reconciliation because the offer was deceiving and utterly lacked sincerity,” ani Duterte sa isang pahayag.

Hindi anya alam ni Alvarez na nakunan ito ng video matapos itong manalo nang nagbanta umano ito na ipapahiya siya.

Dahil dito, binalaan ni Duterte ang publiko ukol kay Alvarez.

“Alvarez was and he remains to be a very dangerous, machiavellian individual who do not deserve peace,” dagdag ng Presidential daughter.

Nang malaman na si Alvarez ang kinukunsidera ng PDP-Laban na sunod na Speaker sa susunod na Kongreso, sinabi ng alkalde na hindi dapat itong bigyan ng pagkakataon dahil hindi na naging matagumpay ang termino nito.

Matatandaan na mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang nagkumpirma na ang anak ang may kagagawan ng pagpapatalsik kay Alvarez.

TAGS: Davao City Mayor Sara Duterte, PDP Laban, reconciliation, Representative-elect Pantaleon Alvarez, speaker, Davao City Mayor Sara Duterte, PDP Laban, reconciliation, Representative-elect Pantaleon Alvarez, speaker

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.