Cayetano kakalas sa koalisyon ng administrasyon kapag inindorso si Velasco na Speaker

By Len Montaño May 22, 2019 - 12:58 AM

Binalaan umano ni Taguig Representative-elect Alan Peter Cayetano si Davao City Mayor Sara Duterte na kakalas siya sa administration coalition kung iiendorso ng presidential daughter si Marinduque Rep. Lord Allan Velaso bilang House Speaker.

Ayon kay Mayor Sara, hindi humingi si Cayetano ng kanyang endorsement noong pumunta ito sa Davao City noong nakaraang taon.

Pero nagbanta si Cayetano na kapag inindorso ni Mayor Sara si Velasco na maging Speaker ay kakalas ito sa koalisyon at ayon kay Cayetano, ito ay makakaapekto sa Presidential elections sa 2022.

Noong kampanya, isa si Cayetano sa mga mambabatas na nagpahayag ng kahandaan at interes na maging House Speaker.

Pero sa isa sa mga kampanya ng mga kandidato ng Hugpong ng Pagbabago, tinawag ni Mayor Sara si Velesco at Leyte Representative-elect Martin Romualdez na susunod na Speaker.

Hindi nagpahayag ng suporta kay Cayetano ang alkalde pero suportado umano nito ang sinuman na susuporta sa legislative agenda ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Matatandaan na si Cayetano ang running mate ni Duterte noong 2016 elections pero pangatlo lamang ito kay noo’y Rep. Leni Robredo at noo’y Senador Bongbong Marcos.

TAGS: 2022 Presidential elections, administration coalition, Alan Peter Cayetano, Davao City Mayor Sara Duterte, endorso, house speaker, kakalas, Koalisyon, Marinduque Rep. Lord Allan Velaso, 2022 Presidential elections, administration coalition, Alan Peter Cayetano, Davao City Mayor Sara Duterte, endorso, house speaker, kakalas, Koalisyon, Marinduque Rep. Lord Allan Velaso

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.