Libreng maintenance sa hypertensive at diabetics, ipamamahagi ng DOH

By Mariel Cruz December 13, 2015 - 01:37 PM

medicinesMaaaring nang makatanggap ng libreng maintenance na gamot ang mga hypertension at diabetic patients mula sa mga Regional Health Unit o RHU simula sa Enero ng susunod na taon.

Ngunit ayon kay Department of Health Secretary Janette Garin, tanging ang mga miyembro lamang ng DOH Hypertension and Diabetes Club ng RHUs ang maaaring makatanggap ng free maintenance medicines.

Magbibigay ang RHUs sa DOH Central Office ng listahan ng mga pasyenteng miyembro na ng Hypertension and Diabetes Club.

Paliwanag ni Garin, ang naturang hakbang ay may layuning mapadali ang assessment sa mga miyembro ng isang komunidad kasabay ng pagtiyak sa regular check-up at follow-up ng mga hypertensive at diabetic patients.

Kailangan aniyang sumailalim sa assessment sa pinakamalapit na health centers ang mga pasyente upang maging bahagi ng DOH Hypertension and Diabetes Club na una nang inilunsad noong December 9 sa Pampanga.

Magsasagawa ang mga health worker ng diagnosis sa mga RHU bago tuluyang maging miyembro ang isang pasyente sa naturang club.

TAGS: DOH free meds for hypertensive and diabetic patients, DOH free meds for hypertensive and diabetic patients

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.