P4.7M halaga ng ilegal na droga, nasabat sa Cebu City
Arestado ang dalawang babaeng suspek makaraang makuhanan ng P4.7 milyong halaga ng ilegal na droga sa ikinasang operasyon sa Cebu City, Martes ng hapon.
Nakilala ang mga suspek na sina Lolita Mosqueda, 65-anyos, at Dolores Suchisa, 38-anyos, mga residente sa Barangay Calamba sa Cebu City.
Nagkasa ng joint operation ang Police Drug Enforcement Group Visayas at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Central Visayas sa bahagi ng Barangay Labangon pasado 5:00 ng hapon.
Mahaharap ang dalawa sa kasong paglabasg sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs of 2002.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.