Pangulong Duterte, nagpakita na sa publiko; Credentials ng ambassador sa Thailand, tinanggap

By Chona Yu May 21, 2019 - 07:52 PM

Matapos ang isang linggong pamamahinga, nagkaroon na ng public appearance si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ay matapos tanggapin ni Duterte ang credentials ni Thailand Ambassador to the Philippines Vasin Ruangprateepsaeng sa Palasyo ng Malakanyang.

Ayon sa pangulo, tiyak na maraming matutunan ang ambassador sa kaniyang panunungkulan sa bansa.

Magkapareho aniya ang layunin ng Pilipinas at Thailand at ito ay magkaroon ng mapayapang sitwasyon sa South East Pacific region.

Tiniyak pa ng pangulo na hindi mahihirapan ang ambassador sa kaniyang pananatili sa Pilipinas.

Matatandaang lumutang ang balitang isinugod sa Cardinal Santos Medical Center sa San Juan City si Pangulong Duterte matapos hindi na makita sa publiko mula nang bumoto noong May 13 sa midterm elections sa Davao City.

TAGS: Pangulong Duterte, Thailand Ambassador to the Philippines Vasin Ruangprateepsaeng, Pangulong Duterte, Thailand Ambassador to the Philippines Vasin Ruangprateepsaeng

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.