DFA, naghain na ng kasong kriminal dahil sa pagkasawi ng OFW sa Kuwait

By Angellic Jordan May 21, 2019 - 02:44 PM
Naghain na ang Department of Foreign Affairs (DFA) ng kasong kriminal sa Kuwait dahil sa pagkamatay ng isang overseas Filipino worker (OFW). Ayon sa kagawaran, nakipag-ugnayan sila sa Embahada ng Pilipinas sa Kuwait para sa kasong pagpatay kay Ma. Constancia Lago Dayag. Kumuha na ng abogado para sa legal assistance sa kaso ni Dayag. Sinabi rin ng DFA na tuloy ang pagbibigay ng iba pang kailangang tulong para maresolba ang kaso ng OFW. Matatandaang napag-alamang nilagyan ng pipino ang pribadong parte ng katawan ni Dayag nang isugod sa Al Sabah Hospital noong May 14.

TAGS: DFA, ofw, DFA, ofw

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.