Thunderstorm advisory itinaas ng PAGASA sa Metro Manila at mga kalapit na lalawigan
Uulanin ang Metro Manila at mga kalapit nitong lalawigan kasunod ng itinaas na thunderstorm advisory ng PAGASA.
Base sa abiso na inilabas alas 11:55 ng umaga ng Martes, May 21 nakasaad na malakas na buhos ng ulan ang aasahan sa Metro Manila, Nueva Ecija, Pampanga, Batangas, Rizal, Bataan at Bulacan.
Ang parehong lagay ng panahon ay mararanasan din sa Calamba, Los Banos, Cabuyao, Sta. Rosa at Binan sa Laguna; Silang, Amadeo, at Indang sa Cavite; Santa Cruz, Candelaria, Masinloc, Palauig at Iba sa Zambales; San Clemente at Mayantoc sa Tarlac at sa lalawigan ng Quezon.
Ang lahat ay pinapayuhan na maging alerto sa posibleng pagbaha na maaring maidulot ng malakas na pag-ulan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.