Joko Widodo nagwagi muli bilang presidente sa katatapos na eleksyon sa Indonesia
Nagwagi sa kaniyang ikalawang termino si Joko Widodo bilang pangulo ng Indonesia.
Sa katatapos na eleksyon, tinalo ni Widodo ang retiradong heneral na si Prabowo Subianto.
Nakuha ni Widodo ang 55.5% na boto habang 44.5% naman ang nakuha ni Subianto.
Inanunsyo ng Election Commission chairman sa Indonesia na si Arief Budiman ang pagkapanalo ni Widodo.
Hindi naman na ikinagulat ng marami ang pagkakapanalo Widodo sa halalan dahil ito na ang lumitaw sa unofficial results.
Kaungany nito, nagtalagana ng 32,000 na security personnel sa Jakarta kabilang sa harapan ng General Elections Commission dahil sa inaasahang mga protesta.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.