Luzon grid muling isinailalim sa yellow alert
Muling isinailalim sa yellow alert ang Luzon grid dahil sa manipis pa ring reserba sa kuryente.
Ayon sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang available capacity ng kuryente sa Luzon ay 11,933 megawatts.
Habang ang peak demand ay 11,163 megawatts.
Ang pag-iral ng yellow alert ay sa pagitan ng alas 10:00 ng umaga hanggang alas 12:00 ng tanghali at ala 1:00 ng hapon hanggang alas 3:00 ng hapon.
Hindi naman magkakaroon ng rotational brownout bunsod ng pag-iral ng yellow alert.
Pero payo ng NGCP sa mga taga-Luzon magtipid-tipid muna sa paggamit ng kuryente.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.