Roxas, mahina sa pagtugon sa stress at krisis ani Duterte

By Ricky Brozas December 13, 2015 - 11:18 AM

duterte2
Inquirer file photo

Binuweltahan ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte ang pambato ng administrasyon sa pagka-pangulo na si Mar Roxas sa mga pag-atake nito laban sa kanya.

Ayon kay Duterte, standard bearer ng PDP-Laban, hindi kaya ni Roxas na tumugon sa “stress” o matitinding problema.

Inihalimbawa nito ang pagtama sa Visayas ng bagyong Yolanda kung saan kalihim pa noon si Roxas ng Department of Interior and Local Government o DILG.

Aniya, hilaw na bigas umano ang ibinigay ni Roxas sa mga biktima ng delubyo, gayong wala naman silang paglulutuan at walang tubig na mapag-igiban.

Sabi ni Duterte, kung mahusay aniyang lider si Roxas ay dapat tubig muna na maiinom ang ibinigay nito sa mga biktima ng bagyo at pagkain na hindi na lulutuin.

Naghanap din aniya si Roxas ng mga panahong iyon ng makakausap na mga lokal na opisyal ng Leyte, pero sinabihan umano niya ang kalihim na huwag nang hanapin ang mga taong iyon dahil malamang na patay na sila.

Binatikos din ni Duterte ang pagdedeklara ng state of calamity ng administrasyon sa pananalasa ng bagyong Yolanda, sa halip na state of emergency.

Samantala, tumanggi naman na mag-komento si Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte sa mga tirada ni Duterte.

TAGS: 2016 elections, Mar Roxas, Rodrigo Duterte, 2016 elections, Mar Roxas, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.