4 na umano’y NPA member, patay sa engkwentro sa Surigao del Sur

By Angellic Jordan May 20, 2019 - 06:58 PM

Patay ang apat na hinihinalang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa sumiklab na bakbakan sa Surigao del Sur.

Sa inilabas na pahayag, sinabi ng 4th Infantry Division ng Philippine Army na nagka-engkwentro ng tropa ng pamahalaan at 10 umano’y NPA members sa Barangay Cancavan sa bayan ng Carmen, Linggo ng hapon.

Wala namang napaulat na nasawing sundalo sa bakbakan.

Dead-on-the-spot ang tatlong rebelde habang dead-on-arrival naman ang nakilalang si Dylan Ghem Padlla Jimenez habang dinadala sa MAdrid District Hospital.

Narekober ng mga sundalo ang tatlong AK47 rifle, dalawang M16 rifle, dalawang mahahabang magazine para sa M16, tatlong cell phone, ilang bala at dokumento.

Dinala naman ang mga labi ng mga nasawing rebelde sa Mata Duneral Services sa Cantilan, Surigao del Sur.

TAGS: 4th Infantry Division, Barangay Cancavan, Carmen, NPA, Philippine Army, surigao del sur, 4th Infantry Division, Barangay Cancavan, Carmen, NPA, Philippine Army, surigao del sur

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.