Lalaking nagtangkang manuhol ng P600K sa PDEA arestado
Arestado ang isang lalaki makaraang tangkang suhulan ang mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).
Tinangka ng suspek na nakilala pa lamang sa alyas na Manuel na suhulan ng P600,000 ang PDEA para mapalaya ang nililigawan niyang babae na nadakip sa buy-bust operation sa Taguig.
Ayon sa suspek nangako kasi ang pamilya ng babae na ipakakasal ito sa kaniya kapag nagawa niyang mapalaya mula sa pagkakabilanggo ang nililigawang babae.
Pero sa halip na mapalaya ang nililigawan ay dalawa na silang kalaboso ngayon sa PDEA.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.