Substitution ni NYC Chair Ronald Cardema bilang sa Duterte Youth party-list hindi pa aprubado – Comelec
Nilinaw ng Commission on Elections (Comelec) na hindi pa nila inaaprubahan ang substitution ni National Youth Commission (NYC) Chairman Ronald Cardema bilang nominado ng isang party-list group.
Ito ay makaraang sabihin ng Malakanyang na deemed resigned na si Cardema dahil sa paghahain nito ng substitution bilang first nominee ng Duterte Youth party-list.
Sa kaniyang tweet, sinabi ni Comelec Commissioner Rowena Guanzon na hindi na naaprubahana ng substitution ni Cardema sa kaniyang asawa.
Sa Facebook account ni Cardema, nakasaad na siya ay isa nang “incoming Congreesman sa House of Representatives”.
Si Cardema ay naghain ng petition for substitution sa Comelec noong May 12 para maging first nominee ng Duterte Youth party-list.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.