P4.7M na halaga ng shabu nakumpiska sa tatlong babaeng suspek sa Taguig
Arestado ang tatlong babae makaraang makuhanan ng aabot sa P4.7 million na halaga ng shabu sa Taguig City.
Isinagawa ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang operasyon sa Brgy. Maharlika kung saan nakumpiska ang mga ilegal na droga na itinago sa lagayan ng tsaa.
Ayon kay PDEA Dir. Levi Ortiz, isang ahenta ng PDEA ang nakipagtransaksyon sa isang alyas Stoleen Dimapuro para bumili kunwari ng P1.2 million na halaga ng shabu.
Pero sa halip na si Dimapuro ay tatlong babae ang sumipot at nakipagkita sa PDEA agent.
Nang magkaabutan ng pera, agad inaresto ang tatlo at nakuhanan PA ng nasa 700 gramo ng hinihinalang shabu.
Mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act ang mga suspek habang patuloy na pinaghahanap si Dimapuro.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.