DENR, hinikayat ang mga nanalong alkalde na gawing prayoridad ang implementasyon ng environmental laws
Hinikayat ng Department of Environment ang Natural Resources (DENR) ang mga nanalong alkalde na gawing prayoridad ang istriktong implementasyon ng environmental laws.
Ito ay partikular sa Republic Act 9003 o Ecological Solid Waste Management Act of 2000.
Pinaalalahanan ni DENR Secretary Roy Cimatu ang mga lokal na opisyal na magkaroon ng sistematiko, komprehensibo at ecological na solid waste management program sa bansa.
Maliban dito, binanggit din ni Cimatu ang implementasyon ng Republic Act 8749 o Philippine Clean Air Act of 1999 at Republic Act 9275 o Philippine Clean Water of 2004.
Hindi aniya kakayanin ng mga itatalagang task force para sa pagpapatupad ng mga nasabing batas.
Sinabi ni Cimatu na kailangan pa rin ang buong kooperasyon ng mga local government unit (LGU).
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.