Proklamasyon ng mga nanalong senador at partylist representative, isasagawa ngayong linggo – Comelec

By Angellic Jordan May 19, 2019 - 08:51 PM

Isasagawa ang proklamasyon sa mga bagong senador at partylist representative ngayong linggo, ayon sa Commission on Elections (Comelec).

Ayon kay Comelec Director Frances Arabe, ito ay matapos bumaba ang hinihintay na transmission sa anim na certificate of canvass (COC) bandang 3:35, Linggo ng hapon.

Sinabi ni Arabe na anumang araw posibleng gawin ang proklamasyon.

Batay sa datos ng Comelec, hinihintay pa ang transmission ng COCs sa Isabela, Washington DC sa Amerika, Japan, Saudi Arabia at Nigeria.

Sa ngayon, nasa kabuuang 161 na COC na ang na-canvass ng Comelec bilang National Board of Canvassers.

Maliban dito, sinabi ni Arabe na mayroon pa silang “logistics concerns” sa proklamasyon ng mga bagong senador at partylist representative.

TAGS: 2019 elections, comelec, NBOC, partylist representative, senador, 2019 elections, comelec, NBOC, partylist representative, senador

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.