Tumama ang magnitude 3.2 na lindol sa Eastern Samar, Linggo ng tanghali.
Sa datos ng Phivolcs, namataan ang episentro ng lindol sa 56 kilometers Northeast ng San Julian bandang 12:41 ng tanghali.
May lalim ang lindol na 20 kilometers at tectonic ang origin.
Gayunman, sinabi ng Phivolcs na walang napaulat na pinsala sa mga ari-arian sa lugar.
Wala ring inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.