Palasyo, ipinaubaya kay Duque ang paglalahad ng corruption allegations vs Puno

By Chona Yu May 19, 2019 - 02:18 PM

Ipinauubaya na ng Palasyo ng Malakanyang kay Health Secretary Francisco Duque III ang paglalahad sa corruption allegations na kinasasangkutan ni dating Food and Drug Administration (FDA) director general Nela Charade Puno.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Presidential spokesman Salvador Panelo na si Duque ang higit na nakaalam sa mga isyu kay Puno.

Una rito, kinukwestyun ni Puno ang pagsibak sa kanya ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil hindi man lang muna sumalang sa imbestigasyon ang pagtanggal sa kanya sa serbisyo.

Pansamantalang papalit sa puwesto ni puno si Health Undersecretary Rolando Enrique Domingo.

TAGS: FDA, Health Secretary Francisco Duque III, korupsyon, nela charade puno, Palasyo ng Malakanyang, Salvador Panelo, FDA, Health Secretary Francisco Duque III, korupsyon, nela charade puno, Palasyo ng Malakanyang, Salvador Panelo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.