29 pasahero sa nagbanggaang 2 tren ng LRT-2, nakalabas na ng ospital

By Chona Yu May 19, 2019 - 02:16 PM

Nakalabas na ng ospital ang 29 na pasahero ng Light Rail Transit (LRT) Line 2 na una nang nasugatan nang magbanggan ang dalawang tren sa pagitan ng Anonas at Araneta Center Cubao Stations sa Quezon City.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Light Rail Transit Authority (LRTA) spokesman Hernando Cabrera na limang pasyente na lamang ang nakaratay ngayon sa Quirino Hospital at sa World City College Hospital dahil sa mga tinamong sugat.

Isa aniya sa mga pasyente ay mayroong dislocated na shoulder habang ang isang pasyente na teller ng LRT ay nagka-sprain sa kamay.

Aakuin na aniya ng pamunuan ng LRTA ang bayarin sa ospital ng mga nasugatan.

TAGS: banggaan, LRT 2, LRTA, banggaan, LRT 2, LRTA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.