Hari ng Saudi Arabia inimbitahan ang Arab leaders kasunod ng pag-atake sa rehiyon
By Len Montaño May 19, 2019 - 05:59 AM
Inimbitahan ni Saudi Arabia King Salman ang mga Gulf at Arab leaders na mag-convene ng emergency summit para talakayin ang epekto ng pag-atake sa bansa at kalapit na United Arab Emirates.
Ayon sa Saudi Foreign Ministry, nakatakda ang pulong sa May 30 sa Mecca.
Ang hakbang ay kasunod ng pag-atake sa mga barko ng Saudi Arabia.
Apat na commercial ships ang sinabotahe sa coast ng UAE.
Makalipas ang 2 araw ay inatake naman ang oil installations sa Riyadh.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.