Bong Revilla nasa 11th spot sa bagong Comelec partial, official tally
Nakuha na ni dating Senador Bong Revilla ang 11th spot habang nangunguna pa rin si reelectionist Senator Cynthia Villar sa senatorial race batay sa bagong partial, official results ng Commission on Elections (Comelec).
Sa huling resulta ng Comelec Sabado ng gabi, nagtala si Revilla ng 13,873,309 votes habang si reelectionist Senator Nancy Binay ay bumaba sa 12th spot mula 11th spot sa botong 13,784,692.
No. 1 si Villar na may 24,199,174 votes na sinundan ni reelectionist Senator Grace Poe na may 21,183,332 votes.
Narito ang rankings ng top 12:
- Cynthia Villar: 24, 199,174
- Grace Poe: 21,183,332
- Bong Go: 19,568,909
- Pia Cayetano: 18,999,378
- Ronald dela Rosa: 18,045,456
- Sonny Angara: 17,442,174
- Lito Lapid: 16,252,252
- Imee Marcos: 15,079,596
- Francis Tolentino: 14,741,637
- Koko Pimentel: 13,948,863
- Bong Revilla: 13,873,309
- Nancy Binay: 13,784,692
Samantala, ang isa pang reelectionist na si Senator JV Ejercito ay nasa 13th spot na may 13,677,424 votes.
Habang ang nag-iisang oposisyon na nakapasok pa sa Magic 12 na si Senator Bam Aquino ay bumagsak sa 14th spot mula 13th spot sa botong 13,675,820 votes.
Tapos nang bilangin ng Comelec ang 158 sa 167 certificate of canvass (COC) ng May 13 elections.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.