WBO title nabawi ni Nonito Donaire matapos talunin si Cesar Juarez.

By Dona Dominguez-Cargullo December 12, 2015 - 03:56 PM

Donaire-1111
Inquirer file photo

Nabawi ni Nonito Donaire ang WBO super bantamweight belt matapos talunin si Cesar Juarez ng Mexico sa kanilang laban sa Roberto Clemente Colesium sa San Juan, Puerto Rico.

Ang nasabing titulo ay nawala kay Donaire nang matalo siya dalawang taon na ang nakararaan sa laban kay Guillermo Rigondeaux ng Cuba.

Sa unang mga round ng laban kay Juarez ipinakita ni Donaire ang lakas matapos mapabagsak sa fourth round ang kalaban.

sa ika-sampung round ay bumagsak din si Donaire dahil sa lakas ng mga suntok na pinakawalan ng Mexican boxer.

Tinangka pa ni Juarez na makabawi sa kalagitnaan ng laban pero nabawasan ang tatag nito pagdating ng round 7.

Sa simula pa lamang ng laban ay mas pinaboran na ang 33-anyos na si Donaire laban sa 24-year-old na si Juarez

 

TAGS: Donaire, Juarez, wbo, Donaire, Juarez, wbo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.