Sandra Cam pinayuhan ng Malacañang na mag-resign na lang

By Den Macaranas May 18, 2019 - 10:06 AM

Inquirer file photo

Pinayuhan ng Malacañang si Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) board member Sandra Cam na mag-resign na lang kung talagang gusto nilang umalis sa nasabing ahensya.

Reaksyon ito ng palasyo sa request ni Cam kay Pangulong Rodrigo Duterte na alisin na siya sa PCSO dahil sa nagpapatuloy umano ang katiwalian sa naturang tanggapan ng pamahalaan.

Noong Huwebes ay nagpatawag ng press conference si Cam kung saan ay kanyang sinabi na pine-pressure siya ng mga kapwa PCSO officials para payagan ang pagpapatuloy ng Speedgame Inc. na mamahala sa small town lottery sa lalawigan ng Pangasinan.

Sinabi ni Cam na may utang sa pamahalaan na aabot sa P132 Million ang Speedgame Inc.

Ipinaliwanag rin ng opisyal na dapat imbestigahan ang umano’y P10 Billion na nawawalang pondo dahil sa Peryahan ng Bayan Project.

Sa panig ng Malacañang, sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na kahit anong oras ay pwedeng iwan ni Cam ang kanyang pwesto.

Kasabay nito ay hinamon niya ang opisyal na magsampa ng formal complaint at kasuhan ang mga sinasabing PCSO officials na sangkot sa katiwalian.

Kapag may formal complaint at saka lamang ipag-uutos ng pangulo ang imbestigasyon sa reklamol ni Cam ayon pa kay Panelo.

TAGS: duterte, panelo, pcso, Peryahan ng Bayan, sandra cam, speedgame, STL, duterte, panelo, pcso, Peryahan ng Bayan, sandra cam, speedgame, STL

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.