Panukalang palitan ng pangalan ang NLEX, lusot na sa Kamara

By Len Montaño May 18, 2019 - 01:11 AM

Aprubado na sa Kamara ang panukalang batas na palitan ang pangalan ng North Luzon Expressway (NLEX) sa Marcelo H. del Pilar Expressway (MHDPEX).

Isinulong sa House Bill 8958 ang pagpapalit ng pangalan ng NLEX bilang pagkilala kay Del Pilar na ipinanganak sa Bulacan.

Ang bill na inakda ni Bulacan First District Rep. Jose Antonio Sy-Alvarado ay wala pang bersyon sa Senado.

Ang bayaning si Del Pilar ay isang manunulat, abogado, mamamahayag at editor ng revolutionary paper na La Solidaridad.

Samantala, sinabi ni NLEX Corporation Senior Vice President for Communication ang Stakeholder Management Romulo Quimbo na hihintayin nila ang ilalabas na implementing rules and regulations (IRR) ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Hati naman ang reaksyon ng mga taga-Bulacan sa panukala.

Ilan ang excited na sa pagpapalit ng pangalan ng NLEX habang ang iba ay tutol na gawin itong Marcelo H. del Pilar Expressway.

Katwiran ng mga tutol, hindi lamang sa Bulacan bumabagtas ang NLEX kundi sa ilang lalawigan at ilang syudad ng Metro Manila.

TAGS: Bulacan, DPWH, First District Rep. Jose Antonio Sy-Alvarado, House Bill 8958, IRR, Kamara, La Solidaridad, Marcelo H. del Pilar Expressway, NLEX, Romulo Quimbo, Bulacan, DPWH, First District Rep. Jose Antonio Sy-Alvarado, House Bill 8958, IRR, Kamara, La Solidaridad, Marcelo H. del Pilar Expressway, NLEX, Romulo Quimbo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.