Karahasan naranasan sa ilang bayan sa Zamboanga del Norte noong eleksyon

By Angellic Jordan May 18, 2019 - 12:32 AM

Nakaranas ng karahasan ang ilang bayan sa Zamboanga del Norte sa nagdaang 2019 midterm elections.

Sa bayan ng Sirawai, na-haraas ang ilang taga-suporta ng Hugpong ng Pagbabago.

Makikita sa video na pinagtulungang gulpihin ng mga umano’y tauhan ni Mayor Jamar Janihim ang isang watcher ng H-N-P na binalewala naman ng mga nakakita umanong pulis.

Responsable rin umano ang mga tauhan ni Janihim sa pag-shade ng mga balota maging sa mga hindi nila tagasuporta.

Samantala, ang alkalde naman ng bayan ng Siayan ang itinuturong pasimuno sa mga karahasan sa ilang lugar. Tinakot umano nito ang ilang botante para hindi bumoto.

Idinaos ang midterm polls noong Mayo a trese.

TAGS: hugpong ng pagbabago, karahasan, Mayor Jamar Janihim, shade ng balota, Siayan, sirawai, Zamboanga del Norte., hugpong ng pagbabago, karahasan, Mayor Jamar Janihim, shade ng balota, Siayan, sirawai, Zamboanga del Norte.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.