Senators Villar at Poe nakatanggap ng imbitasyon mula sa Comelec para sa proklamasyon
Nakatanggap na ng imbitasyon sina Cynthia Villar at Grace Poe mula sa Commission on Elections o Comelec para sa kanilang proklamasyon bilang nahalal na mga senador.
Ang proklamasyon ay gagawin umano alas 4:00 ng hapon araw ng Linggo, March 19.
Inanunsyo na rin ni Comelec Spokesperson James Jimenez na ang tentative schedule ng proklamasyon ng mga nanalong senador at mag party list ay sa Linggo.
Hindi rin aniya maaring magmadali sa pagproklama dahil kailangan pang kalkulahin ang bilang ng boto para sa mga party list.
Si Villar ang nangunguna sa senatorial polls na may 25,038,760 na boto at sinundan ni Poe na may 21,862,839 votes.
Ito ay base sa 97.88 percent na nakalap na boto na inilalabas sa PPCRV-Inquirer Transparency Server.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.