Thunderstorm advisory nakataas na pa rin sa Metro Manila at mga kalapit na lalawigan
Muling nagtaas ng thunderstorm advisory ang PAGASA sa Metro Manila, Rizal at Cavite.
Base sa abiso ng PAGASA alas 2:48, ang nasabing mga lugar ay makararanas ng malakas na buhos ng ulan na may pagkulog at pagkidlat sa susunod na dalawang oras.
Ganitong panahon din ang mararanasan sa Mayantoc at San Jose sa Tarlac; Calamba, Laguna; Tanauan at Santo Tomas, Batangas; Tagkawayan, Quezon; Mabalacat at Porac, Pampanga; Baliuag, Pulilan, Santa Maria, Pandi at Bustos sa Bulacan.
Sa ilalim ng thunderstorm levels ng PAGASA, dalawang oras na malakas na pag-ulan ang aasahan sa mga lugar kung saan nakataas ang thunderstorm advisory.
Babala ng PAGASA ang malakas na buhos ng ulan ay maaring makapagdulot ng flash floods at landslides.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.