8 Chinese arestado, 87 manggagawa nailigtas sa warehouse ng pekeng sigarilyo sa Bulacan
Naaresto ng mga otoridad ang walong Chinese nationals at nailigtas ang 87 manggagawa sa warehouse ng pekeng sigarilyo sa Bulacan.
Ayon kay Col. Chito Bersaluna, Bulacan police director, isinagawa ang operasyon ng pinagsanib na pwersa ng National Bureau of Investigation (NBI) at mga pulis sa warehouse sa Green Miles Compound sa Barangay Patubig sa Marilao.
Ang mga nadakip na dayuhan ay pinaniniwalaang employers ng mga nailigtas na empleyado.
Ginawa ang pagsalakay makaraang makatakas ang isa sa mga manggagawa ng warehouse at nagsumbong na sila ay kinukulong at pinupwersang magtrabaho.
Sinabi naman ni Supt. Amado Mendoza, Marilao police chief, karamihan sa mga manggagawa ay dumaranas ng forced labor sa loob ng nakalipas na limang buwan.
May nakita rin sa warehouse na mga cigarette products, kabilang ang makina na na ginagamit sa paggawa ng sigarilyo.
Sasampahan ng kasong may kaugnayan sa human trafficking, serious illegal detention, at paglabag sa intellectual property code ang mga naarestong dayuhan.
Ang mga manggagawa naman na pawang taga-Mindanao ay nasa kostodiya ngayon ng mga otoridad at tutulungang makauwi.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.