Isa sa mga plano ng bagong halal na alkalde ng Lungsod ng Maynila ang palitan ng food items ang mga basurang itatabi ng mga Manilenyo.
Sabi ni Moreno, sa halip na pera ay papalitan nya ng de lata at bigas ang basura na maiipon ng mga residente.
Bahagi aniya ito ng kanyang programa para linisin ang Maynila mula sa kalat at dumi.
Batid umano niya bilang dating basurero na higit na kailangan ng mga mahihirap na may maipang-laman ng tiyan sila at kanilang pamilya sa buong maghapon.
Layon din ng bagong alkalde na ibalik ang mga Metro Aide o ang mga regular na street sweeper ng lungsod.
Para kay Isko, kailangan ng honest to goodness na paglilinis sa Maynila upang maging kaaya-aya itong muli.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.