Opisyal ng MRT-3 humingi ng paumanhin sa mga pasaherong naapektuhan ng aberya kahapon
Humingi ng paumanhin ang director for operations ng Metro Rail Transit Line 3 matapos ang naranasang problema sa biyahe ng tren Huwebes ng gabi (May 16).
Naglakad sa riles ang mga pasahero nang huminto ang isang tren dahil sa problema sa power supply.
Ayon kay Mike Capati, kinulang ang suplay ng kuryente kaya hindi na umandar ang tren.
Dahil dito, sinabi ni Capati na humihingi sila ng paumanhin sa lahat ng pasaherong naglakad sa riles ng tren.
Sinabi ni Capati na ang low power supply sa MRT-3 ay maaring dulot ng mababang reserba ng kuryente sa Luzon.
Ang kuryente sa Overhead Catenary System (OCS) ng tren ay nagkaproblema alas 8:52 ng gabi at naibalik lang sa normal alas 9:11 ng gabi.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.