Opisina ng simbahan sa Texas sinalakay ng mga pulis; paring Pinoy iniimbestigahan sa pagkakasangkot sa sexual abuse

By Dona Dominguez-Cargullo May 17, 2019 - 07:10 AM

Sinalakay ng mga pulis ang mga tanggapan ng simbahan na sakop ng diocese sa Dallas, Texas.

Ito ay bahagi ng imbestigasyon sa umano ay pagkakasangkot ng mga opisyal ng simbahan sa sexual abuse.

Ayon sa mga otoridad, isang pari ang pinaghahanap ngayon na nakilalang si Edmundo Paredes, isang Pinoy dahil sa kinakaharap na reklamong pang-aabuso.

Maliban kay Paredes mayroong iba pang alegasyon ng sexual abuse sa iba pang mga suspek na opisyal ng simbahan.

Bitbit ang search warrant ay nagtungo ang Dallas police sa headquarters ng diocese at hinalughog ang storage location at opisina ng simbahan.

Si Paredes ay kinasuhan na ng sexual abuse dahil sa pangmomolestya umano sa isang bata at tatlong iba pang menor de edad.

Ilang dekada na itong naninilbihan sa simbahan sa Dallas pero kamakailan, bigla itong nawala at pinaniniwalaang nagtatago ng Pilipinas.

Tiniyak naman ni Dallas Bishop Edward Burns ang pakikipagtulungan ng simbahan sa mga otoridad.

TAGS: Dallas Bishop Edward Burns, diocese sa Dallas, Edmundo Paredes, sexual abuse, Texas, Dallas Bishop Edward Burns, diocese sa Dallas, Edmundo Paredes, sexual abuse, Texas

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.