Konsehal sa Makati sugatan sa aksidente

By Rhommel Balasbas May 17, 2019 - 04:39 AM

Makati City Police Station photo

Sugatan si Makati City Councilor Nemesio King Yabut Jr. makaraang maaksidente ang minamanehong luxury car nito sa bahagi ng Brgy. San Antonio, Makati City.

Ayon kay Makati City Investigation Chief Pol. Maj. Gideon Ines, binabaybay ni Yabut ang kahabaan ng Ayala Avenue extension nang bumangga ito sa kasabay na sasakyan.

Makati City Police Station photo

Nabangga pa ni Yabut ang mobile ng isang TV network na nakaparada lamang sa labas ng Makati Police Station.

Dahil may kalakasan ang impact, wasak ang harapang bahagi ng kotse ni Yabut at yupi ang likurang bahagi ng mobile.

Maswerte namang walang sakay ang mobile nang maganap ang aksidente

Isinugod si Yabut sa Makati Medical Center at nakaramdam umano ito ng pananakit ng balikat.

Sinabi ni Ines na posibleng nakainom si Yabut nang maganap ang aksidente dahil galing ito sa isang party.

Posibleng maharap sa kasong reckless imprudence resulting to damage to property ang konsehal.

Si Yabut ay konsehal ng ikalawang distrito ng Makati.

TAGS: aksidente, Ayala Avenue, Makati, Makati City Councilor Nemesio King Yabut Jr., mobile, nakainom, reckless imprudence resulting to damage to property, sugatan, TV network, aksidente, Ayala Avenue, Makati, Makati City Councilor Nemesio King Yabut Jr., mobile, nakainom, reckless imprudence resulting to damage to property, sugatan, TV network

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.