NGCP: Reserba ng kuryente sa Luzon grid mananatiling manipis hanggang Agosto

By Rhommel Balasbas May 17, 2019 - 04:17 AM

Patuloy na mararanasan ang manipis na reserba ng kuryente sa Luzon grid sa susunod na tatlong buwan ayon sa National Grid Corp. of the Philippines (NGCP).

Sa isang pulong balitaan, sinabi ni NGCP division head for power network planning Fidel Dagsaan na inaasahan kasing sa Setyembre pa magiging normal ang suplay sa Luzon.

Sa Setyembre pa anya kasi magpapatuloy ang operasyon ng hydropowerplants matapos ang rainy season.

Dahil dito, sinabi ni Dagsaan na posible pa ring isailalim ang Luzon grid sa yellow at red alerts hanggang sa Setyembre.

Kahapon, araw ng Huwebes, muling isinailalim sa yellow alert ang Luzon grid na ikapito na ngayong buwan.

TAGS: Agosto, hydropowerplants, luzon grid, manipis, ngcp, red alert, reserba ng kuryente, Yellow Alert, Agosto, hydropowerplants, luzon grid, manipis, ngcp, red alert, reserba ng kuryente, Yellow Alert

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.