MRT-3 nagka-aberya dahil sa problema sa kuryente

By Len Montaño May 17, 2019 - 12:04 AM

Pinababa ang mga pasahero ng Metro Rail Transit-3 (MRT-3) matapos huminto ang tren sa interstation ng Kamuning at Quezon Avenue at Quezon Avenue at North Avenue Huwebes ng gabi.

Ayon kay MRT operations director Michael Capati, ang aberya ay dahil sa electrical problem partikular ang mababang power supply sa Overhead Catenary System (OCS).

Naghintay ang mga pasahero ng 30 minuto bago nabuksan ang mga pinto ng tren at nakalabas sila at naglakad sa riles.

Nabatid na dahil sa problema sa kuryente ay nag trip ang wire.

Nangyari ang aberya alas 8:40 ng gabi pero dakong 8:52 ng gabi ay nag-resume na ang power ng OCS at balik normal ang operasyon ng MRT-3 bandang 9:11 ng gabi.

Iniimbestigahan ng Department of Transportation (DOTr) ang dahilan ng naturang technical problem.

TAGS: aberya, dotr, electrical problem, MRT 3, MRT operations director Michael Capati, Overhead Catenary System, power supply, aberya, dotr, electrical problem, MRT 3, MRT operations director Michael Capati, Overhead Catenary System, power supply

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.