Pekeng travel agent arestado sa Las Pinas City

By Dona Dominguez-Cargullo May 16, 2019 - 06:59 AM

Arestado sa ikinasang entrapment operation ang isang babae na nagpanggap na travel agent sa Las Pinas City.

Nagreklamo sa mga otoridad ang biktimang si alyas “Honey” matapos maloko ng suspek para sa isang biyahe sana sa Hong Kong kasama ang dalawa niyang anak.

Kwento ni Honey, regalo sana niya sa kaniyang bunsong anak na nagtapos sa elementarya ang apat na araw na biyahe sa Hong Kong.

October 2018 nang ipabook niya ito sa suspek, kung saan nasa P46,500 ang halaga ng travel package kasama ang pamasahe, hotel, at pamamasyal.

Sa kabila nang nabayaran na ito ni Honey ay bigo silang makabiyahe nuong Marso dahil wala umanong nakuhang ticket ang suspek.

Nagpa-deposito pa ng dagdag na P10,000 ang suspek para mai-rebook ang biyahe sa Agosto.

Doon na humingi ng tulong sa mga otoridad si Honey at ikinasa ang entrapment.

Mahaharap sa kasong estafa through swindling na may kaugnayan sa Cybercrime Prevention Act ang suspek. (END/DD)

TAGS: arrested, estafa, fake travel agent, Las Piñas City, arrested, estafa, fake travel agent, Las Piñas City

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.