Sen. Grace Poe, nalungkot sa pasya ng Comelec 1st division

By Marilyn Montaño December 11, 2015 - 01:56 PM

grace-poe2Ikinalungkot ni Sen. Grace Poe ang pagkansela ng Comelec first division sa kanyang Certificate of Candidacy dahil tinanggalan umano siya ng identity.

Pahayag ito ni Poe matapos siyang diskwalipikahin sa pagtakbo bilang pangulo sa 2016 elections.

Ayon kay Poe, binalewala ng poll body ang mga ebidensyang iprinisinta nila. Tinanggalan din anya siya ng pagkakataon na pagsilbihan ang mga mamamayan at nawalan din ang mga tao ng mapagpipilian sa isang open election.

Giit ni Poe, mananatili siyang kandidato bilang presidente. “I am a true Filipino from birth. I was raised as a Filipino, lived, studied, got married in the Philippines, and wish to serve fellow Filipinos as a Filipino. That my very identity is being taken away from me, is hurtful,” ani Poe.

Samantala, sinabi ng abogado ni Poe na si Atty. Geoge Garcia na hindi final and executory ang desisyon ng Comelec at aapela sa Comelec en banc at dudulog sa korte suprema.

“Wala pa rin pong pagbabago, ganun pa rin po ang effect nito… Kami po ay kandidato pa rin. Ang aming pangalan ay nasa listahan pa rin, hindi po magbabago ang lahat. Kami po ay magfa-file agad ng motion for reconsideration limang araw paglabas ng desisyon na ito.” pahayag ni Atty. Garcia.

Umaasa naman ang running mate ni Poe na si Sen. Chiz Escudero na hindi ito tuluyang matatanggal sa presidential race sabay giit na nasa Supreme Court ang pinal na desisyon.

TAGS: grace poe, grace poe

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.