Manila mayor-elect Isko Moreno may babala sa mga kriminal sa lungsod

By Ricky Brozas May 15, 2019 - 10:35 AM

Nagbabala si Manila mayor-elect Isko Moreno sa mga kriminal sa lungsod.

Sinabi ni Moreno na malas lang sa kaniya ng mga masasamang loob dahil kabisado niya ang lahat ng eskinita sa Maynila at alam niya kung saan nagtatago ang mga kriminal.

Dapat anyang mangibang-bayan ang mga ito kung hindi sila aayos sa kanilang gawi.

Pero tiniyak ni Moreno na irerespeto ang karapatang-pantao ng mga Manileño sa ilalim ng kanyang pamumuno.

Pag-aaralan ni Moreno ang ulat na nagsasabing ang Maynila ang may pinakamataas na bilang na napapatay sa mga operasyon ng mga pulis.

Ayon pa kay Moreno, pangangalagaan nila ang karapatang pantao ng mga taong inaakusahan pero hindi niya hahayaan mamayagpag ang mga kriminal at malagay sa panganib ang buhay ng mga pulis at iba pang alagad ng batas.

TAGS: Isko Moreno, manila, Radyo Inquirer, Isko Moreno, manila, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.