Pangulong Duterte nakatakdang bumisita sa Japan sa ikatlong pagkakataon
Sa ikatlong pagkakataon ay bibisita sa Japan si Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa May 30 hanggang 31 nakatakda ang patungo sa Japan ng pangulo kung saan magkakaroon siya ng talumpati sa Future of Asia conference sa Tokyo.
Layon nitong mapalawig pa ang bilateral relations sa pagitan ng Pilipinas at Japan.
Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo hindi pa tiyak kung magkakaroon ng bilateral meeting ang pangulo kay Japanese Prime Minister Shinzo Abe.
Pero mismong ang kinatawan ni Abe ang nagdala ng imbitasyon kay Pangulong Duterte para dumalo sa nasabing conference.
Ang pangulo ay unang nagtungo sa Japan noong October 2016 at ang ikalawang pagbisita ay noong October 2017.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.