PPCRV isinara muna ang manual encoding ng election results
Isinara muna ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) ang kanilang manual encoding ng election returns alas 10:00 Martes ng gabi at itutuloy ito alas 8:00 Miyerkules ng umaga.
Ayon kay PPCRV spokesperson Agnes Gervacio, ang bagong batch ng encoders ay magtatrabaho ng 3 shifts – mula 8am hanggang 12 noon, 12 noon hanggang 4pm at 4pm hanggang 8pm.
Nasa 100 vounteer encoders ang nakatalaga sa bawat shift.
Sa kabila ng kanselasyon ng graveyard shift ng encoding process, sinabi ni Gervacio na hindi ito magpapatagal sa proseso dahil tatanggap sila ng election returns at electronic results sa magdamag.
Dagdag ng opisyal, tumatanggap na sila ng elections returns, kung saan pinakamarami sa Manila, Caloocan at Quezon City.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.