EcoWaste Coalition hinimok ang mga kandidato na i-recycle ang campaign materials na ginamit sa katatapos na eleksyon

By Dona Dominguez-Cargullo May 14, 2019 - 10:29 AM

Hinimok ng environment and health watchdog na EcoWaste Coalition ang mga kandidato na linisin ang mga kalat mula sa ginamit na campaign materials nitong nagdaang eleksyon.

Ayon sa EcoWaste, sa halip na basta na lang itapon, maaring i-recycle ang mga campaign materials at pwede pang pakinabangan.

Ipinakitang halimbawa ng grupo ang mga bag, school supplies, at iba pa na pwedeng magawa mula sa mga campaign material.

Pakiusap ni Thony Dizon ng EcoWaste sa mga kandiadto huwag sunugin at huwag ikalat ang campaign materials.

Sa mga nahakot na campaign materials ng EcoWaste najagawa na sila ng mga bag mula sa mga campaign poster nina Makati Mayor Abby Binay, Quezon City Vice Mayor Gian Sotto at Sen. JV Ejercito.

Sa pagtaya ng EcoWaste, nasa 30 kilo na plastic scrap ang nalikom nila at nai-recycle para gawing bag.

Ang mga papel na campaign materials naman ay maaring gawing folders, memo pads, envelopes, at iba pa.

TAGS: campaign materials, Ecowaste, recycling, wastes, campaign materials, Ecowaste, recycling, wastes

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.