Belmonte at Binay nakatakdang iproklama bilang mayor sa QC at Makati
Bagamat wala pa ang opisyal na proklamasyon patuloy ang pangunguna ni incumbent Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte bilang bagong alkalde ng lungsod.
Sa Makati City, nakatakda na rin ang pagkakaroon ni incumbent Mayor Abby Binay ng bagong termino.
Sa huling tala, 96 percent na ng elections returns ang na-transmit sa Quezon City.
Si Belmonte ay mayroong 454,714 votes kumpara sa pangalawa na si Bingbong Crisologo na 354,255.
Habang sa vice mayor race ay nangunguna rin ang tandem ni Belmonte na si Gian Sotto na may 371,001 votes kumpara sa kalabang si Jopet Sison na may 333,032 votes.
Samantala, sa Makati City, nasa 98.2 percent na ang na-transmit na mga boto.
Ayon sa Makati Board of Canvassers, mapapanatili ni Binay ang lamang nito kahit bilangin ang natitirang untransmitted results.
Hanggang Lunes ng gabi ay nasa 175,385 votes ang nakuha ni Binay habang ang kapatid nitong si Junjun ay may 96,299 votes.
Oras na maapruba ang hiling na maibaba ang threshold, magiging opisyal ang proklamasyon ni Binay gayundin ang running mate nito na si Monique Lagdameo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.