Dating CIDG chief Benjamin Magalong bagong alkalde ng Baguio City

By Rhommel Balasbas May 14, 2019 - 04:27 AM

May bagong alkalde ang Baguio City sa katauhan ni dating Philippine National Police – Criminal Investigation and Detection Group (PNP – CIDG) Benjamin Magalong.

Nakakuha ng 41,207 na boto si Magalong laban sa kalabang si Edison Bilog na may 22,609 batay sa 99.56 percent ng election results.

Magugunitang si Magalong ang nanguna sa imbestigasyon ng pulisya sa pagkamatay ng Special Action Force (SAF) 44 sa Mamasapano operations.

Nagretiro si Magalong noong 2016 ngunit itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang board member ng Philippine National Oil Co. noong nakaraang taon.

Papalit kay Magalong si Mauricio Domogan na ngayon ay tumatakbo sa pagkakongresista ng lungsod.

TAGS: bagong alkalde, baguio city, Benjamin Magalong, PNP-CIDG, saf 44, bagong alkalde, baguio city, Benjamin Magalong, PNP-CIDG, saf 44

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.