PNP: Pagsabog sa Maguindanao at Cotabato hindi election-related
Inihayag ng Philippine National Police (PNP) na walang kinalaman sa eleksyon ang serye ng pagsabog sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao at Cotabato City.
Sa isinagawang press briefing, sinabi ni P-N-P chief, General Oscar Albayalde na lumabas sa kanilang inisyal na imbestigasyon na walang koneksyon ang pagsabog sa eleksyon.
Dalawang pagsabog ang naganap sa bisinidad ng Poblacion dalcan sa Datu Odin Sinsuat bandang ala una ng madaling-araw at alas syete diyes, Lunes ng umaga.
Hiwalay na pagsabog pa ang naganap sa isang bakanteng lote sa Purok Omar sa Cotabato City Hall compound, Linggo ng gabi.
Ani Albayalde, hindi intensyon ng pagsabog na makasakit ng sinuman.
Dahil dito, maituturing pa rin aniyang generally peaceful ang midterm polls.
Tiniyak naman nito sa publiko na nananatiling alerto ang P-N-P sa lahat ng insidente na may kinalaman sa eleksyon hanggang sa pagtatapos botohan mamayang alas sais ng gabi.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.