Pagboto ni Vico Sotto sa Pasig City naantala
Naantala ang pagboto ni Pasig City mayoralty candidate Vico Sotto dahil sa problema sa vote counting machine (VCM).
Ayon kay Sotto, hindi gumagana ang VCM sa polling precinct niya sa Valle Verde 5.
Alas 8:43 ng umaga nang dumating sa polling area si Sotto kasama ang kaniyang ina na si Connie Reyes.
Dahil hindi gumagana ang VCM, inabisuhan si Sotto na iwan na lamang ang kaniyang balota sa election officers at ang board of election canvassers na lamang ang magpapasok nito sa makina kapag may dumating nang bago.
Pero sinabi ni Sotto na babalik na lamang sya kapag naayos na ang VCM o kapag napalitan na ito.
Samantala, si re-electionist Mayor Bobby Eusebio ay nakaboto naman na sa Rosario Elementary School sa Pasig City.
Inaabangan din ang magiging resulta ng eleksyon sa Pasig, dahil kinalaban ni Sotto ang mga Eusebio na matagal nang nanunungkulan sa lungsod.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.