Mga polling precincts nagbukas na; 99.97% ng polling places inaasahang nakapagbukas ng tama sa oras – Comelec
Nagbukas na ang mga polling precincts na hudyat ng pagsisimula ng 2019 local at national midterm elections.
Sa President Corazon Aquino Elementary School, alas 5:30 pa lamang ng madaling araw nakapila na sa labas ng eskwelahan ang mga boboto.
Maagang dumating ang mga Vote Counting Machine (VCM) sa nasabing paaralan, at naglagay din ng Help Station para sa PWD,senior citizen at buntis.
Sa Maynila, maaga ding nailipat patungo sa mga paaralan ang mga ballot boxes at VCMs, gayundin ang mga VRVs o Voter Registration Verification System.
Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez, inaasahan nilang 99.97% ng mga polling place sa buong bansa ang nakapagbukas ng tama sa oras, o alas 6:00 ng umaga.
Alas 9:30 ng umaga mamaya ay magbibigay ng update ang Comelec sa status ng pagbubukas ng botohan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.