Publiko pinayuhang magdala ng payong sa pagboto ngayong araw – PAGASA

By Dona Dominguez-Cargullo May 13, 2019 - 06:10 AM

Ngayong araw ng eleksyon, apektado ng frontal system ang extreme northern Luzon.

Dahil dito ayon sa PAGASA, ang Cagayan at ang Batanes ay makararanas ng maulap na papawirin na mayroong kalat-kalat na pag-ulan.

Ang malakas na buhos ng ulan na mararanasan ay maaring magdulot ng flash floods o landslides.

Bagaman aasahan ang maaliwalas na panahon sa Metro Manila at sa nalalabi pang bahagi ng bansa, pinayuhan ng PAGASA ang mga boboto ngayong araw na magdala ng payong.

Ayon kay PAGASA weather specialist Ezra Bulquerin, mainit at maalinsangang panahon kasi ang iiral sa malaking bahagi ng bansa.

Habang pagsapit ng hapon o gabi ay aasahan naman ang panandaliang mga pag-ulan dahil sa localized thunderstorms. (

TAGS: elections, Pagasa, Radyo Inquirer, weather, elections, Pagasa, Radyo Inquirer, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.