May natitira pang small window si Pangulong Rodrigo Duterte para sa peace talks sa Communist Party of the Philippines (CPP).
Tugon ito ng Palasyo ng Malakanyang sa apela ni CPP founding chairman Jose Maria Sison kay Pangulong Duterte na bumalik sa usaping pangkapayapaan kung ayaw nitong mapunta sa impyerno.
Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Presidential spokesman Salvador Panelo na magiging bukas lamang ang pintuan ng pangulo na isulong muli ang usaping pangkapayapaan kung tapat sa kanilang layunin ang nasa kabilang linya.
Hindi makaturngan aniya na habang nag-uusap ang dalawang grupo ay panay naman ang pag-atake ng rebeldeng grupo sa tropa ng pamahalaan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.