Duterte, pinayuhan ang mga botante na iboto ang mga kandidatong tapat sa kanilang layunin
Bumoto ng naaayon sa konsensya.
Ito ang naging paalala ni Pangulong Rodrigo Duterte sa milyun-milyong Filipino na boboto sa iba’t ibang presinto sa buong bansa.
Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Presidential spokesman Salvador Panelo na dapat na piliin ng mga botante ang mga kandidatong tapat sa kanilang layunin na maglingkod sa bayan at ang reputasyon ay hindi nababalot ng masamang imahe.
Ayon kay Panelo, galit ang pangulo sa mga kandidatong sangkot din sa ilegal na droga.
Nagbanta rin si Pangulong Duterte sa mga may balak na mandaya na huwag nang tangkain pa na guluhin ang halalan.
Hindi kasi aniya papayag ang pangulo na masira ang electoral will ng mga Filipino dahil equalizer ito sa demokrasya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.