Kahirapan at kakulangan sa edukasyon, dahilan ng mga nabibiktima ng vote buying – Palasyo
Nalulungkot ang Palasyo ng Malakanyang na marami pa rin sa mga Filipino ang salat sa edukasyon at kayamanan.
Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Presidential spokesman Salvador Panelo na ito ang dahilan kung kaya marami pa rin sa mga botante ang nabibiktima ng pananakot at vote buying.
Ayon kay Panelo, marami pa rin sa mga Filipino ang mahihirap at kulang sa edukasyon.
Dagdag ni Panelo, hanggang hindi nababago ang estado ng mga Filipino sa lipunan, mauulit lamang ang insidente ng vote buying at pananakot tuwing panahon ng halalan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.