Higit P1M cash na para umano sa vote buying nasabat sa Zamboanga del Sur
Nasabat ng otoridad ang bungkos ng mga pera na nagkakahalaga ng kabuuang P1.056 million na gagamitin umano sa vote buying sa Zamboanga del Sur.
Nakita ang pera sa Barangay Dapiwak sa bayan ng Dumingag araw ng Sabado.
Ayon kay 1st Lt. Abner Pilando, commander ng Alpha Company ng 97th Infantry Battalion, nakalagay ang pera sa paper bag at nakita ito sa tabi ng isang bakanteng bahay.
Ang pagkadiskubre sa mga pera ay kasunod ng tip sa otoridad ukol sa mga ito.
Isang hindi nagpakilalang caller ang nagsabi na hinaharass umano ng mga armadong lalaki ang mga residente sa lugar.
Nang tugunan ng otoridad ang report at pumunta sila sa lugar ay biglang nagpulasan ang mga armadong lalaki at iniwan na lang ang mga pera.
Narekober sa paper bag ang isang papel kung saan nakasulat ang tila listahan ng mga bibigyan ng pera.
Narito ang breakdown na nasa distribution list:
P2,000 for 488 voters, or a total of 976,000
P10,000 for the chairman of the Board of Election Canvassers (BEC)
P3,000 for each of the 13 BEC members, or a total of 39,000
P100 each for 142 household leaders, totaling P14,200
P500 for CVO head
P200 each for 25 CVO members, for a total of P5,000
P2,000 each for six poll watchers
Ang papel ay mayroong heading na “Province of Zamboanga del Sur/Municipality of Dumingag Barangay Dapiwak.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.